Panu ko kaya sisimulan itong kwento ko? Ang hirap naman kasi magsulat ng isang kwento, tapos 'yung iba gusto pa Ingles. Bakit hindi na lang mag - Tagalog?Pilipino naman tayo. Anyways second language naman natin ang Ingles, kaya I'll try my best to write it on English(hahahaha tarush nag-English) Panu ba uumpisahan ko na...pagtyagaan n'yo na lang..
Ako si Diana, tawag sa aki'y Dana, gada, daga, diane, yneng, danaya, jana, etc...dami pa yan..'di ko na lang ilalagay 'yung iba at baka humaba pa. Maraming nagsasabing ako'y astig, prangka, mataray, matapang pero mabait naman at isa na dun si Abi, ang turingan nami'y bestfriend kahit tawagan nami'y 'di bestfriend. Thank you nga pala sa mamon, sa discounts 'pag naorder ako senyo, sa pagpapautang mo sa akin at sa lahat lahat. Hindi lang s'ya nagsabi nun, 'yung iba ko pang kaibigan. Katulad ni Edna( yneng ang aming turingan)- mataray din pero mabait, maganda, galante( thanks sa libre), si Te Bern- ang ate ng grupo, maasikaso, laging may cards tuwing pasko at love nyan si Kuya Ed, si Mado- may matinong trabaho( as RN talaga), joker, mahalay din kung minsan( parang ako),love na love s'ya ni Ryan, si Ninya- sa sampung sinabi'y walang totoo(hehehe joke), isa ring mahalay, ang bahay nila ang boarding house ng grupo( inuman, tulugan, wala lang), si Jo Ann- always in shock(hehehe joke), mabait yan, si Maloy- nene man sa height pero namumutawi ang pagkadalaga, si Edz- ang vegetarian ng grupo, tagabiogay ng busa( thanks), si Prince- pinaka God-fearing, though we had hard times, friends pa rin kami, si Vane- boobita kung tawagin(hahaha), sexy yan, madaldal, si Annie- ang mahilig sa movie, ngunit wala akong pera ang laging sabi,si Tineh( varsity player), si kristel( sexy mommy), si Jess( hon ni kristel), si Randolf( ka twit, ka fb ng grupo, mahilig sa pics), si Francois( pinuno ng mahahalay,joke), si Hica( emo ng grupo), si Advan( makwento), si Kanuto( cute guy), si Mel( black beauty), si Joanna( pogi kung tawagin), si Kuya Don( kuya ng group 26), si Julie, si Ycon....'yung iba saka na lang...patawad kung kayo'y nakalimutan..
Back sa kwento ko, mahilig akong umawit, sumayaw, magbasa, magdrawing at syempre ang manuod..'Di ko nga akalaing ako'y mahihilig sa pagsulat, siguro dahil sa malilikot kong mga imahinasyon. Isa na nga sa imagination ko ay that I'm with my Prince Charming, sarap mag imagine, libre naman kasi. Nahilig nga din ako sa Korean drama, dahil sa galing at kainaman ang dating, 'yung tipong mala Jang Geun Suk kung umakting, wapak na wapak sa aking paningin. o kaya'y 'yung tipong mala detective Conan sa mystery at mala Naruto ang adventure. Pwede ding mala Harry Potter ang fantasy at mala Twilight ang love story... o kay sarap mag imagine....hahahaha... Sana ganun ang mga tagpo ng buhay ko..sana lang naman...
Ayon nga sa kasabihan ko, " if it is for you, it's for you and if it is not, it's not"
O panu ba yan hanggang dito na lang, 'di ko talaga maisulat sa Ingles, 'di ko feel eh..hehehe..'Pag may gusto kayong idugsong, lagay n'yo lang...sige bye bye na..
saglit...saglit...may pahabol kay Francois- hearthrob daw ay pwede din sya...hahaha,,,teka lang, wait a minute, si Ninya'y mabait at galante din,pati na 'yung iba...hehehe....
eto na ulit,,,ang pahabol ni vane..haha...sya daw ay singing diva at song bird ng barkada,,,,sya rin pala ang videoke queen ng tropa...haha